Magde-deploy ng 2,200 volunteers at magtatayo ng 295 first aid stations sa buong bansa mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2 ang Philippine Red Cross (PRC) ngayong Undas 2025.
Ayon kay PRC Secretary General Gwendolyn Pang, maagang nagsimula ang paghahanda ng organisasyon sa pamamagitan ng pagsasanay, briefing, at orientation ng mga volunteer.
Magkakaroon din ng 66 ambulansya na ide-deploy habang ang iba pang yunit ay naka-standby sa mga lokal na chapter ng Red Cross.
Kasabay nito, magpapadala rin ang PRC ng 100 foot patrol teams, 59 mobile units, at 155 welfare desks sa mga sementeryo, terminal, at iba pang mataong lugar.

