Iginiit ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na hindi makaaapekto sa kredibilidad ng imbestigasyon ang posibleng livestreaming ng hearings ng independent commission for infrastructure o ici kaugnay ng flood-control scandal.
Sa press briefing sa Malaysia matapos ang ASEAN summit, sinabi ng pangulo na praktikal na usapin lamang ang livestreaming at nasa ICI pa rin ang desisyon hinggil dito.
Giit pa ng pangulo, hindi nakikialam ang executive sa gawain ng komisyon maliban sa pagbibigay ng pondo at suporta.
Samantala, sinabi ni Ombudsman Crispin Remulla na pinag-aaralan din ng kanyang tanggapan ang pagla-livestream ng preliminary investigations para mapaigting ang transparency.

