Latest NewsBalitang A2Z

Kita ng GSIS, pumalo ng P112 bilyon sa kabila ng kontrobersiya sa investment

Pumalo sa P112 billion ang net income ng government service insurance system o GSIS mula enero hanggang Setyembre higit na lamang sa tinatarget ng ahensya na P76.6 billion sa kabila…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Pumalo sa P112 billion ang net income ng government service insurance system o GSIS mula enero hanggang Setyembre higit na lamang sa tinatarget ng ahensya na P76.6 billion sa kabila yan ng kumakalat na kontrobersiya sa investment.

Ayon sa GSIS, higit din na mas mataas ito kumpara sa P100 billion na naitala noong agosto.

Umabot naman sa P1.93 trillion ang assets nito o tumaas ng 5.7% mula sa dulo ng 2024 pero bumaba ng P17 billion ang gastos kumpara sa itinakdang budget.

Gayunpaman, humaharap pa rin si GSIS Pres. Wick Veloso sa mga batikos dahil sa umanoy high-risk investments ng ahensya kaya maraming grupo ang pinagbibitiw na siya sa puwesto.

ADVERTISEMENT

Noong July, sinuspindi siya ng ombudsman hinggil sa P1. 4 billion na transaksyon sa alternergy holdings corporation pero na-lift din ito noong Setyembre.

What do you feel about this article?