Kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, inapela ang hurisdiksyon ng ICC | News Light

📅  |  ✏️ Updated
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Inapela ng panig ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules ang pinakahuling desisyon ng Pre-Trial Chamber I sa International Criminal Court (ICC) na pinagtibay ang naunang hatol na ipagpatuloy ang proceedings hinggil sa kaso nito.

Ang appeal na isinumite ng lead counsel ni Duterte na si Nicholas Kaufman at associate counsel Dr. Dov Jacobs ay sinabing walang nasusulat na legal na basehan para ipagpatuloy pa ng ICC ang paglilitis laban kay FPRRD.

Layon din nilang ang mabilisan at unconditional na paglaya nito.

Bilang resulta, ililipat ang paglilitis kay Duterte sa Appeals Chamber kung saan ilalaban ng kampo nito sa mga pangunahing puwersa na nais ituloy ang pagpapapanagot sa dating presidente.

Matatandaang opisyal na itiniwalag ng administrasyon ni Duterte ang Pilipinas sa Rome Statute na nagtatag ng ICC noong 2019.

ADVERTISEMENT

Gayunman, nanatili ang hurisdiksiyon nito sa madugong kampanya kontra droga dahil nangyari ito habang kasapi pa ang bansa. (Denniel Salayo/ News Light)