Latest NewsBalitang A2Z

COMELEC, maglalabas ng ‘show-cause orders’ sa 27 contractors na nag-donate sa mga kandidato noong 2022 national elections

Maglalabas ng show-cause orders ang Commission on Elections laban sa 27 government contractors na umano’y nagbigay ng donasyon sa mga kandidato noong 2022 presidential elections.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Maglalabas ng show-cause orders ang Commission on Elections laban sa 27 government contractors na umano’y nagbigay ng donasyon sa mga kandidato noong 2022 presidential elections.

Ayon kay COMELEC chairman George Garcia, nagkaloob ang Department of Public Works and Highways ng certification kung saan may mga kontrata sa pamahalaan ang mg naturang firm.

Sa kabila nito, tinutukoy pa ng COMELEC kung ilang kandidato ang tumanggap ng perang donasyon mula sa mga ito.

Sinabi rin ni Garcia na tinitingnan na ng COMELEC ang 31pang posibleng kontratista para naman sa 2025 midterm election kaya humihingi na ng karagdagang certification mula sa DPWH.

ADVERTISEMENT

Batay sa Omnibus election code, bawal ang mga kontratista na may kontrata sa pamahalaan na magbigay ng kontribusyon sa mga kandidato.

What do you feel about this article?