Umabante sa susunod na round ang Filipina tennis sensation na si Alexandra “Alex” Eala matapos talunin si Katie Boulter ng Great Britain, 6-4, 2-1, sa Round of 32 ng Prudential Hong Kong Tennis Open nitong Martes sa Hong Kong, China.
Natapos ang laban matapos magretiro si Boulter dahil sa injury.
Bago ang torneo, naitala ni Eala ang kanyang bagong career-high WTA ranking na No. 51 — ang pinakamataas sa kanyang karera.
Susunod niyang makakaharap sa Round of 16 ang No. 3 seed Victoria Mboko ng Canada, na kasalukuyang No. 21 sa mundo.



