3 air assets ni ex-Rep. Zaldy Co, lumipad na palabas ng bansa ayon sa CAAP

📅

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP na tatlong air assets na konektado sa dating kongresista na si Zaldy Co ang lumipad na palabas ng bansa.

Ayon sa CAAP, dalawang agustawestland helicopter ang nasa kota Kinabalu, Malaysia isa noong August 20 at isa naman noong September 11.

Samantala, nasa singapore naman ang isang Gulfstream aircraft at wala na sa bansa simula pa noong August 16.

Tiniyak naman ng CAAP na patuloy nilang mino-monitor ang lahat ng rehistradong air assets alinsunod sa batas.