Sa gitna ng panawagan para sa transparency isinapubliko na ng lahat ng 24 na mga senador ng 20th congress ang kanilang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN.
Base sa mga idineklarang record pinakamayaman si Sen. Mark Villar na may mahigit P1.2 billion peso na net worth o ang resulta ng kabuuang asset o ari-arian menos ang liabilities o pinagkakautangan.
Sinundan siya ni Sen. Raffy Tulfo na may mahigit P1 billion.
Samantala, pinakamababa namang idineklarang net worth si Sen. Francis Escudero na may P19 million lamang.
Kabilang sa huling naglabas ng SALN sina Sen. Alan Peter Cayetano, Ronald “Bato” dela Rosa, at Imee Marcos.
ADVERTISEMENT
Habang lima lang sa mga senador ang nag-file ng joint SALN kasama ang kanilang asawa kabilang sina Villar, Tulfo, Cayetano, Camille Villar, at Miguel Zubiri.
Nanawagan naman ang mga eksperto na ilabas din ng mga opisyal ang kanilang mga nakaraang saln para makita at mabusisisi ng publiko ang posibleng pagbabago sa yaman.
May mga mambabatas namang bukas sa pag-upload ng saln sa mga website ng pamahalaan habang ang iba ay may alinlangan dahil sa privacy concerns.

