News LightLatest News

24/7 na pagbiyahe ng mga provincial buses sa EDSA, inaprubahan ng MMDA | News Light

Pinayagan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial buses na bumiyahe ng bente kwatro oras para sa patuloy nitong pagbiyahe ngayong Undas.

Newslight · · 1 min read

Pinayagan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial buses na bumiyahe ng bente kwatro oras para sa patuloy nitong pagbiyahe ngayong Undas.

Ayon sa MMDA, ito ay epektibo mamayang alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga, Nobyembre 3.

Ang mga provincial buses mula sa North Luzon ay maaaring huminto sa mga terminal sa Cubao, Quezon City at ang mga bus naman na galing South Luzon ay hanggang sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at Pasay lamang.

Ito ang tugon ng ahensya sa kahilingan ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas, Inc.

ADVERTISEMENT

Inaasahan pa rin ang nose-in, nose-out policy sa mga bus terminal.

Dagdag ng MMDA, ito ay para maging tuloy-tuloy ang biyahe ng mga pasahero ngayong Undas at mabisita ang kanilang mga yumao nang mahal sa buhay. (Austin Gonzaga/ News Light)

What do you feel about this article?