Muling nagningning ang talentong Pinoy sa global stage!
‘Yan ay matapos maiuwi ng University of Santo Tomas (UST) Singers ang pinakamataas na karangalan sa City of Derry International Choir Festival sa Northern Ireland, United Kingdom.
Sa pangunguna ng kanilang conductor, si Professor Fidel Gener Calalang Jr., nakamit ng UST Singers ang prestihiyosong Oak Tree of Derry Trophy.
Maliban dito, pinarangalan rin sila ng dalawa pang special awards.
Isa na rito ang Contemporary Music Centre Award para sa kanilang interpretasyon ng “The Destroyer” ni Seán Doherty.
ADVERTISEMENT
Nakuha rin nila ang Bishop’s Gate Hotel Award para sa kanilang rendition ng “Come Away, Sweet Love” ni Thomas Greaves.
Pagbati para sa UST Singers, at mabuhay ang korong Pilipino!

