Sen. Lacson: P50 billion nilipat ng DPWH mula unprogrammed funds noong 2024; P30 billion para sa flood control projects

📅

Binatikos ni Senate Pres. pro tempore Ping Lacson ang P50 billion na inilipat ng DPWH mula sa unprogrammed appropriations para sa mga infrastructure projects noong 2024 kung saan P30 billion dito ay aligned para sa flood control projects.

Ayon kay Lacson, lumalabas na nagiging komportable na ang mga opisyal ng DPWH sa pagpondo sa mga proyekto kahit lumalabag ito sa master plan ng gobyerno.

Giit pa ni Lacson, tila nagkakaroon umano ng sabwatan ang ilang mambabatas at opisyal ng dpwh para palakihin ang pondo ng ahensiya kumpara sa sektor ng edukasyon.

Matatandaang dahil sa flood control corruption scandal tinutulan na ng senado ang paglagay ng unprogrammed funds sa 2026 proposed national budget matapos ituring itong isang panibagong “pork barrel” ng mga politiko.

ADVERTISEMENT

Pero ipinagtatanggol naman ng Department of Budget and Management ang unprogrammed appropriations na anila’y “standby funds” para matiyak ang mga kondisyon bago magamit.