Latest NewsBalitang A2Z

Project NOAH head Dr. Lagmay, hinikayat ang pamahalaan na mag-invest sa science-based solutions VS pagbabaha

Umaapela si project Noah head Dr. Mahar Lagmay sa pamahalaan na maglaan sana ng mas malaking pondo para sa mga solusyong nakabatay sa agham o science at maging sa technology…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Umaapela si project NOAH head Dr. Mahar Lagmay sa pamahalaan na maglaan sana ng mas malaking pondo para sa mga solusyong nakabatay sa agham o science at maging sa technology para masolusyonan ang matinding problema ng bansa sa baha.

Ginawa ni lagmay ang panawagan, matapos aminin ni DPWH chief Vince Dizon na maraming flood control projects ang lalo pang nagpapalala ng baha sa ilang lugar.

Ayon kay Lagmay, gumagastos ang pamahalaan ng daan-daang bilyong piso taun-taon sa mga proyekto pero kulang sa investment sa agham at teknolohiya.

Binigyang-diin din ni lagmay na ang problema sa baha ay isyu ng national security dahil naaapektuhan nito ang lahat ng sektor mula sa kalusugan hanggang sa agrikultura.

What do you feel about this article?