Ibinunyag ni Senate Pres. pro tempore Panfilo “Ping” Lacson na natuklasan ng Manila City Regional Trial Court na peke ang pirma sa affidavit ng “surprise witness” na si Orly Guteza.
Ayon kay Lacson, napatunayan ng executive judge na hindi pirma ni Atty. Petchie Rose espera ang nasa sinumpaang salaysay ni Guteza.
Gayunman, iginiit ni Lacson na mananatiling valid ang salaysay ni Guteza sa harap ng Senate blue ribbon committee dahil ito’y isinumpa sa harap ng senado.
Nauna nang sinabi ng Manila City RTC na dapat ma-imbestigahan si Guteza at ang mga naghaharap ng kanyang affidavit sa posibleng falsification.
ADVERTISEMENT
Matatandaang si Guteza ay inilahad bilang “surprise witness” ni Sen. Rodante Marcoleta noong September 25 sa imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects.

