
Inaasahan na ng pamunuan ng Philippine Ports Authority ang pagdagsa ng mga pasahero sa Batangas Port simula sa darating na Biyernes, October 31, 2025.
Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago, posibleng umabot sa 19,000 hanggang 22,000 ang dadagsa sa huling araw ng Oktubre sa pantalan.
Dahil dito, patuloy ang paghahanda ng Asian Terminal Inc., gayundin ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard, MARINA maging ang mga tauhan ng PPA.
Aniya pa, sa ngayon isa mga challenge para sa kanila ay ang masigurong ligtas at komportable ang pagbiyahe ng mga pasahero.
ADVERTISEMENT



