Sinimulan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry–Navotas Chapter at LGU ng Navotas, kasama ang Aboitiz Power, ang pagbubukas nito ng kauna-unahang business conference sa lungsod.
Sa kooperasyon ng Department of Agriculture–Philippine Fisheries Development Authority at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nagbigay ng mga makabagong industriya sa pangingisda ang BizCon sa Navotas, na kilala bilang Fishing Capital of the Philippines.
Ayon kay PCCI–Navotas Chapter President Peter Paul Santos at Mayor John Rey Tiangco, layunin nito na magbigay-kaunlaran sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) hindi lamang sa mga residente ng Navotas kundi pati na rin sa ibang mga bibisita dito.
Kasama sa BizCon ang power distribution company na Aboitiz Power, ang kanilang diesel-powered corporation nitong Therma Mobile Inc., at iba pang mga partners na tanging layunin ay mapalago ang aquaculture o aquafarming sa bansa.
ADVERTISEMENT
Ngayon naman ay huling araw ng PCCI Navotas Business Conference sa Navotas Sports Complex. (Austin Gonzaga/ News Light)

