Like father, like son.
Sasabak na sa professional boxing debut ang panganay na anak ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao na si Jimuel sa November 29 sa Pechanga resort casino sa Temecula, California, USA.
Makakatapat ni Jimuel ang kapwa debutant na si Brendan Lally sa co-main event ng card na ipino-promote mismo ng Manny promotions company.
May tatlong taong amateur career experience ang 24-year old na si Jimuel at nagsasanay sa wild card boxing gym kung saan nagsasanay din ang kanyang ama.
ADVERTISEMENT
Matatandaang nakasama na si manny sa international boxing hall of fame noong june dahil sa kanyang 8 world titles mula sa iba-ibang division.
Kaya naman, good luck Jimuel!

