Ibinunyag ni Public Attorney’s Office chief Persida Rueda-Acosta na maraming abogado ng ahensiya ang nagkakaroon ng psychiatric illness dahil sa sobrang dami ng hawak na mga kaso.
Sa pagdinig ng senate committee on finance para sa 2026 budget sinabi ni Acosta na umaabot sa tatlondaang kaso bawat buwan ang hawak ng isang abogado.
Sa kasalukuyan, may 2,681 lamang na bilang ng abogado ang PAO.
Kaya naman suportado ni Sen. Sherwin Gatchalian ang panawagan ni Acosta na dagdagan ng limandaang abugado para mapagaan ang case load at maiwasan ang pag-alis ng mga senior lawyers.
Samantala, pormal nang idineklara ng Commission on Elections na disqualified si 1st division si Cabuyao, Laguna Mayor Dennis hain dahil sa umano’y vote-buying noong nakaraang halalan.
ADVERTISEMENT
Batay sa petisyon ni dating Vice Mayor Leif Opiña, namigay umano ng isanlibong piso at sample ballot si hain sa mga residente habang nagsasagawa ng “poll watchers seminar”.
Pinatunayan naman ito ng mga larawan at video na tumayong ebidensya sa kaso kasabay ng pag-amin ni hain sa akusasyon.
Wala pa namang bagong kumento ang naturang alkalde.

