News LightLatest News

Ilang abogado ng PAO, nagkakaroon na ng mental illness dahil sa patung-patong na trabaho ayon kay Atty. Acosta | News Light

Ibinunyag ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta na maraming abogado ng ahensiya ang nagkakaroon ng psychiatric illness dahil sa sobrang dami ng hawak na mga kaso.

Giselle Crazo · · 1 min read

Ibinunyag ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta na maraming abogado ng ahensiya ang nagkakaroon ng psychiatric illness dahil sa sobrang dami ng hawak na mga kaso.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance para sa 2026 budget, sinabi ni Acosta na umaabot sa tatlong daang kaso bawat buwan ang hawak ng isang abogado.

Sa kasalukuyan, may 2,681 lamang na bilang ng abogado ang PAO.

Kaya naman suportado ni Sen. Sherwin Gatchalian ang panawagan ni Acosta na dagdagan ng limang daang abogado para mapagaan ang case load at maiwasan ang pag-alis ng mga senior lawyers.

What do you feel about this article?