Isang malaking banta ngayong Martes ang napipintong paghagupit ng hurricane Melissa sa Carribean sa Amerika na isang category 5 storm o pinakamalakas na bagyo sa mundo ngayong taon.
Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa bansang Jamaica anumang oras ngayon taglay ang nakapipinsalang hangin, malakas na ulan, pagbaha, at storm surge.
Taglay ng bagyo ang hanging umaabot sa 281 kilometers per hour at bugsong aabot ng 321 kph kasalukuyang kumikilos ang bagyo sa bagal na 11 kilometers per hour kaya ramdam na ramdam ang paghagupit at pagsuyod nito.
Lumikas na ang maraming residente at turista sa mga hotel na wala na umanong pahinga dahil sa takot at pag-aalala habang papalapit ang bagyo.
ADVERTISEMENT
Kaya naman, ingat po ang lahat maging sa mga OFW na nasa bansang Jamaica.



