
Diniskwalipika ng Commission on Elections (COMELEC) First Division si Cabuyao City Mayor Dennis Felipe Hain dahil sa paglabag sa batas laban sa vote-buying noong midterm elections 2025, base sa resolusyon sa SPA No. 25-100 (DC).
Kinumpirma ng kampo ni Hain na natanggap na nila ang kopya ng resolusyon at magsasampa ng motion for reconsideration sa COMELEC En Banc.
Mariing itinanggi ni Hain ang mga paratang, iginiit na wala siyang kinalaman sa umano’y pamimili ng boto, at naniniwalang sa masusing pagrepaso ay lilitaw ang katotohanan.
Habang nakabinbin pa ang pinal na desisyon, sinabi ni Hain na patuloy siyang maglilingkod bilang alkalde at hiniling sa publiko na igalang ang proseso at kasarinlan ng COMELEC.
Samantala, mababatid na noong Abril 2025 isinampa ni Atty. Leif Laiglon A. Opiña ang naturang disqualification case laban kay Cabuyao City Mayor Dennis Felipe Hain at noo’y Konsehal Richard “Dondon” Hain dahil sa umano’y malawakang vote-buying sa nakaraang 2025 national at local elections.
ADVERTISEMENT
Isinumite ni Opiña ang mga sinumpaang salaysay, litrato, at video bilang ebidensya sa reklamo.



