Muling namayagpag ang galing ng kabataang Pinoy sa international stage!
‘Yan ay dahil nag-uwi ng medalya mula sa 2025 World Smart Industry Expo – 4th Youth Patent Incubation Exhibition and International Exhibition ang mga estudyante mula sa Patin-ay National High School sa Agusan del Sur.
Nakamit ng dalawang research team ang ginto at tansong medalya mula sa innovation expo na ginanap sa Chongqing, China.
Gintong medalya ang naiuwi nina Mica Ato, Rich Evu Arevalo, Nalieyah Rowan Lucip, at Rosti Luce Russel Cifra para sa kanilang pagtuklas sa potensyal ng violet alingatong bilang panlaban sa mga diseases na sanhi ng oxidative stress.
Wagi naman ng bronze medal at “C for Change Association United Kingdom Special Award” sina Jhaner Juguilon, Jason James Tusoy, Rojan Kyle Quintas, Arabella Margaret Catalan, at Rexeth Keith Permale para sa kanilang research tungkol sa insulin plant at sa paggamit nito bilang gamot sa Parkinson’s disease, Alzheimer’s disease, at dementia.
ADVERTISEMENT
Kinilala sila ng lokal na pamahalaan ng Agusan del Sur, maging ng Philippine Consulate General in Chongqing.
Pagbati rin para sa kanilang instructors sa pangunguna ni Ms. Elaine Sansait.
Congratulations sa mga kabataang Pinoy na nagwagi!

