Tinawag ng Palasyo na pro-China narrative ang pahayag ni Congressman Pulong Duterte laban kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Romeo Brawner Jr.
Kaugnay ito sa deployment ng US sa kanilang Typhon missile system sa Pilipinas — na ayon sa Sandatahang Lakas, nandito para sa training at capability-building process sa gitna ng modernization ng AFP.
Para sa civic org leader na si Dr. Jose Antonio Goitia, huwag nang bigyan pa ng masamang interpretasyon ang bagay na ito na makatutulong sa paglaban ng Pilipinas para sa soberanya nito.
Una nang kinastigo ng Philippine Coast Guard ang pahayag na anila’y divisive noise.

