News LightLatest News

Pagiging state witness ng mag-asawang Discaya, ‘no chance’ ayon sa Ombudsman | News Light

Iginiit ng Ombudsman na imposibleng umanong maging state witness sina Curlee at Sarah Discaya hinggil sa kaso ng maanomalyang flood control projects.

Newslight · · 1 min read

Iginiit ng Ombudsman na imposibleng umanong maging state witness sina Curlee at Sarah Discaya hinggil sa kaso ng maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Assistant Ombudsman Jose Dominic Clavano IV, masyadong malaki ang ginampanang papel ng mag-asawang Discaya sa flood control projects na mayroong mahigit 4,000 kontrata o bid na kasali ang mga kumpanya nito sa Department of Public Works and Highways para bigyan ng proteksyon ng gobyerno.

Mayroon din umanong “uncooperative behavior” ang mga Discaya na maituturing silang hindi kaaya-aya bilang mga saksi. (Denniel Salayo/ News Light)

What do you feel about this article?