Pinatawan ng five-game suspension si National University (NU) Bulldogs men’s basketball player Gelo Santiago matapos nitong sadyang sikuin ang isang Ateneo player sa likod ng ulo.
Ayon sa review ng UAAP sa insidente sa laban ng NU Bulldogs at Ateneo Blue Eagles nitong Linggo, binigyan ng disqualifying foul si Santiago matapos nitong siluhin sa likod ng ulo habang nasa sahig ang kanyang katunggali na si Waki Espina sa third quarter ng laban.
Nagwagi naman ang Bulldogs sa dulo ng laban kontra Blue Eagles sa score na 66-50 nitong Linggo.
Ngunit ayon sa UAAP, ang ginawa ni Santiago na paniniko sa ulo ay delikado at hindi nila palalampasin ang mga ganitong sitwasyon sa liga. (Austin Gonzaga/ News Light)

