Handa ka na ba sa isang hindi malilimutang worship experience?
Nakatakdang bumisita sa bansa ang multi-awarded at international worship artist na si Israel Houghton sa susunod na taon.
Pormal na inanunsyo ng organizer na B.B. Entertainment ang pagdating ng tanyag na singer-songwriter upang ganapin ang isang world-class worship concert sa SM Mall of Asia Arena sa January 2026, matapos ang matagumpay na mga pagtatanghal sa iba’t ibang panig ng mundo.
Handa na si Houghton na dalhin ang kanyang mga powerful worship song sa libu-libong Pilipinong tagahanga.
Ilan sa mga sikat na worship song na kanyang pinasikat ay ang “Friend of God” at “You Are Good”.
ADVERTISEMENT
Ang gabi ay inaasahang magiging isang malalim na pagsamba at makapangyarihang musika na tiyak na mag-iiwan ng inspirasyon sa lahat ng dadalo. (Benedict Quejado/ News Light)

