News LightLatest News

Mga paliparan sa buong bansa, pinaghandaan ang pagdagsa ng mga pasahero sa Undas | News Light

Pinaghahandaan ng mga paliparan sa buong bansa ang inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Undas. Sa Ninoy Aquino International Airport o Naia pa lamang, inaasahang aabot sa 1.35 milyong pasahero…

Dawn Pamulaya · · 1 min read

Pinaghahandaan ng mga paliparan sa buong bansa ang inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Undas.

Sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pa lamang, inaasahang aabot sa 1.35 milyong pasahero ang darating mula Oktubre 25 hanggang Nobyembre 3, bahagyang mas mataas kumpara sa 1.3 milyon noong nakaraang taon.

Ayon kay New NAIA Infra Corporation president Ramon Ang, nadagdag na umano sila ng tauhan para sa posibleng pagdagsa ng mga pasahero at may koordinasyon na rin sa mga ahensya ng pamahalaan.

Nagpakalat na rin ang Philippine National Police ng Special Operations Unit teams at K-9 units sa mga terminal ng NAIA upang tiyakin ang seguridad.

ADVERTISEMENT

Samantala, ipinapaalala sa mga biyahero na dumating tatlong oras bago ang international flight at dalawang oras bago ang domestic flight upang maiwasan ang abala.

What do you feel about this article?