News LightLatest News

Mga estudyante, nagprotesta sa Camp Crame para sa paglaya ng mga inarestong aktibista | News Light

Nasa 30 mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan ang nagtipon-tipon para magprotesta sa harap ng Camp Crame sa Quezon City kahapon.

Newslight · · 1 min read

Nasa 30 mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan ang nagtipon-tipon para magprotesta sa harap ng Camp Crame sa Quezon City kahapon.

Mariin nilang panawagan ang pagpapalaya sa ilang kabataang aktibista na inaresto ng kapulisan sa “Trillion Peso March” protest noong September 21.

Ibinulgar din ng mga mag-aaral ang patuloy na pangha-harass at paninindak ng gobyerno sa mga batang aktibista at student leaders.

Nanawagan din ang mga ito sa pamahalaan na gawing prayoridad ang edukasyon kaysa sa pagmamatyag at panunupil sa mga kabataan. (Denniel Salayo/ News Light)

What do you feel about this article?