Hiniling ng Makabayan bloc sa Kamara ang pagsisiyasat sa investment activities ng GSIS, kabilang ang higit ₱1 bilyon sa online gambling at deal sa renewables.
Inihain nina ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago, at Kabataan Party-list Rep. Renee Co ang House Bill No. 415 para imbestigahan ang mga investment na napupunta sa e-gaming na kailanma’y lumagapak sa 69.7 percent.
Anila, nagbabayad ang mga guro at health workers sa GSIS pero taliwas naman ang ginagawa ng ahensya lalo’t delikado ito sa kapaligiran at lipunan.
Dapat din daw isagawa ang mas mahigpit na pagbabantay para panagutin ang mga maysala.
ADVERTISEMENT
Nanawagan rin ang Makabayan bloc na magbitiw na sa pwesto si GSIS president at general manager Arnulfo Veloso dahil sa mahinang investment decision at paglabag sa tungkulin at transparency ng ahensya.

