SportsLatest News

Leo Mhar Lobrido, kumpiyansang makakasungkit ng medalya sa Asian Youth Games | News Light

Ipinamalas ni Leo Mhar Lobrido ang tapang sa boxing ring matapos makapasok sa semifinals at masiguro ang isang medalya sa 3rd Asian Youth Games sa Exhibition World Bahrain sa Sakhir.

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Ipinamalas ni Leo Mhar Lobrido ang tapang sa boxing ring matapos makapasok sa semifinals at masiguro ang isang medalya sa 3rd Asian Youth Games sa Exhibition World Bahrain sa Sakhir.

Tinalo ni Lobrido si Binul Dulnada Dewasiri Narayana ng Sri Lanka sa boys’ light flyweight quarterfinals matapos ang dikitang laban hanggang sa huling segundo ng ikatlong round.

Sa weightlifting, nagwagi ng bronze medal si Princess Jay Ann Diaz sa girls’ 44kg clean and jerk matapos magbuhat ng 78kg.

Si Diaz, pamangkin ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, ay pumangatlo sa likod nina India’s Bhoi Priteesmita na nagtala ng world youth record na 92kg at China’s Wu Jihong na may 88kg.

ADVERTISEMENT

Nakakuha rin ng bronze si Jay-R Colonia sa boys’ 56kg category matapos magbuhat ng 137kg, habang ang Chinese lifter na si Jiang Jinfu ang nagwagi ng gintong medalya.

What do you feel about this article?