News LightLatest News

Higit ₱12-M halaga ng smuggled frozen chicken, nasabat ng BOC | News Light

Nasabat ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port ang dalawang container na naglalaman ng mga smuggled na frozen chicken products.

Giselle Crazo · · 1 min read

Nasabat ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port ang dalawang container na naglalaman ng mga smuggled na frozen chicken products.

Sa ulat, idineklara pa itong mga fishballs kahit na mga karne ng manok ang laman, na labag sa Anti-Agri Smuggling Act.

Nadiskubre sa inspeksyon ang “layering” technique — isang proseso kung saan processed food ang nasa harap pero mga smuggled na manok ang nasa loob.

Sa imbestigasyon ng Customs, nakilala na ang may-ari at mga kasabwat na posibleng may koneksyon sa shipment.

ADVERTISEMENT

Ayon naman kay Sen. Kiko Pangilinan, banta ito sa kalusugan at may epekto ang mga smuggled agri products sa lokal na poultry farmers.

What do you feel about this article?