News LightLatest News

DMW, tinanggal ang mahigit 70K social media accounts na sangkot sa illegal recruitment | News Light

Tinanggal na ng Department of Migrant Workers ang mahigit 70,000 social media accounts na sangkot umano sa illegal recruitment.

Newslight · · Updated · 1 min read

A woman using smartphone in the dark

Tinanggal na ng Department of Migrant Workers ang mahigit 70,000 social media accounts na sangkot umano sa illegal recruitment.

Ayon sa ahensya, konektado ang mga accounts sa pagre-recruit ng mga Pilipino upang magtrabaho sa mga scam hubs sa Myanmar, Laos at Cambodia.

Habang sinimulan na rin ng ahensya ang proseso ng pagpapauwi sa bansa ng mahigit 200 Pinoy na biktima ng human trafficking at illegal scam sa bansang Myanmar. (Denniel Salayo/ News Light)

What do you feel about this article?