Ibinunyag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may mga maanomalyang proyekto ng pamahalaan sa Laguna de Bay.
Pinagmukhang flood control projects ang mga proyekto, pero ang totoo ay reclamation projects ang mga ito.
Ayon kay DENR Undersecretary for Integrated Environmental Science Carlos Primo C. David, makikita sa mga satellite image na tinambakan na ng lupa ang ilang bahagi ng Laguna de Bay sa may C6.
Ayon pa kay David, ang naturang proyekto ay nangangailangan ng mas maraming permit dahil sa peligrong hatid nito sa kalikasan.
Bukod pa roon, posible aniyang magdulot ng mas malalang pagbaha ang reclamation project.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Laguna Lake Development Authority, may ilang reclamation project sa Laguna de Bay na walang kaukulang permit.
Habang binigyang-diin ng Philippine Reclamation Authority na ipinagbabawal ang reclamation sa Laguna de Bay.
Sang-ayon ang ahensya na posibleng magdulot ng mas malalang pagbaha ang pagtatambak ng lupa sa Laguna de Bay.

