Hinimok ni dating Ilocos Sur governor Luis ‘Chavit’ Singson na magbitiw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pwesto sa gitna ng korapsyon sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Singson, masusing pinagplanuhan ng administrasyon na pagsamantalahan ang kaban ng bayan para sa pansariling interes habang binabaha ang mga mamamayan at nasisira ang kabuhayan ng mga magsasaka.
Dagdag pa nito na hindi kaduwagan ang pagbibitiw at sa halip ay isa itong paraan para maipakita ang katapangan matapos na bigong resolbahin ang mga suliranin ng bansa.
Habang tinawag pang ‘weak leader’ ni Singson si Marcos at kinuwestiyon niya rin ang hindi pag-iimbestiga ng Independent Commission for Infrastructure sa Ilocos Norte, gayong ang mga Discaya ang kumontrata sa mga flood control projects dito. (Denniel Salayo/ News Light)

