RegionalLatest News

3 patay matapos mahulog ang elf truck sa Chico River sa Bontoc, Mountain Province | News Light

Aabot sa tatlong indibidwal ang nasawi matapos mahulog sa bangin ang isang Elf truck dahil sa banggaan ng tatlong behikulo sa Brgy. Tocucan, Bontoc, Mountain Province nitong Lunes ng umaga.

Newslight · · Updated · 1 min read

Aabot sa tatlong indibidwal ang nasawi matapos mahulog sa bangin ang isang elf truck dahil sa banggaan ng tatlong sasakyan sa Brgy. Tocucan, Bontoc, Mountain Province nitong Lunes ng umaga.

Tinigil ng Bontoc MDRRMO ang search, rescue, at retrieval operations sa dalawa pang nawawalang indibidwal bandang 5:30 p.m. dahil sa malakas na pag-ulan at nagpatuloy ang kanilang operasyon alas-otso ng umaga ngayong araw.

Batay sa imbestigasyon, ang mga construction worker ay sakay umano ng elf truck na patungo na sana sa kanilang project site sa Kuro-Kuro, Sadanga, nang maganap ang sakuna.

Sa ngayon, tinitingnan na ng awtoridad kung sino ang mapapanagot sa naturang insidente. (Austin Gonzaga/ News Light)

What do you feel about this article?