Latest NewsBalitang A2Z

Presyo ng produktong petrolyo, inaasahang tataas sa susunod na linggo.

Inaasahan ang pagkakaroon ng taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Mga ka-A2Z

Inaasahan ang pagkakaroon ng taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa Energy Department, at sa 4-day trading ng mean of platts Singapore o MOPS.

Maglalaro sa humigit-kumulang ¢30 ang dagdag sa kada litro ng gasolina.

Habang humigit kumulang ¢80 naman ang itataas sa kada litro ng diesel at kerosene.

ADVERTISEMENT

Bunsod ang pagtaas ng mas malakas na refinery demand kaya nagkaroon ng counter-seasonal na bawas sa U.S. crude inventories.

Sumirit din ang presyo ng langis, dahil sa panibagong banta ng U.S. sa mga kumpanya sa russia kaugnay ng digmaan sa ukraine.

Kaya naman sa mga motorista tipid-tipid at magpakarga na po!

What do you feel about this article?