Nanatiling normal pa rin ang presyo ng mga bulaklak sa labas ng Loyola memorial park sa Marikina City isang linggo bago ang undas.
Pero ayon sa mga nagtitinda, asahan na magmamahal ang presyo ng mga bulaklak pagsapit ng Martes, October 28 dahil sa pagtaas ng demand at pagbaba ng suplay ng bulaklak ilang araw bago ang pagsapit ng araw ng mga patay.
Maglalaro sa bente hanggang singkwenta pesos ang posibleng itataas ng mga nito.
Pero mas sisirit pa ang presyo hanggang isandaang piso pagsapit ng bisperas at sa mismong araw ng undas.

