Latest NewsBalitang A2Z

Pag-abswelto ng Sandiganbayan sa graft case VS Enrile, Napoles, Reyes, nirerespeto ng Malacañang

Iginiit ng Malacañang na nirerespeto nito ang desisyon ng Sandiganbayan sa pag-abswelto kina Presidential chief legal counsel Juan Ponce enrile ang kanyang chief of staff na si Gigi Reyes at…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Iginiit ng Malacañang na nirerespeto nito ang desisyon ng Sandiganbayan sa pag-abswelto kina Presidential chief legal counsel Juan Ponce enrile ang kanyang chief of staff na si Gigi Reyes at ang naka-detain na negosyanteng si Janet Lim-Napoles kaugnay sa pagkakasangkot nila sa PDAF o Priority Development Assitance Fund scam.

Ayon pa kay Communications Usec. Claire Castro, ito ang dahilan kung bakit patuloy ang masusing imbestigasyon imbes ang fast-tracking process ng pagpapanagot sa mga kurakot na opisyal ng gobyerno.

Kinikilala rin ng Malacañang ang “separation of powers” dahilan para hindi rin aniya pumalag ang palasyo sa naging desisyon.

What do you feel about this article?