Bubuksan ang lahat ng lane sa North Luzon expressway mula October 29 hanggang November 3 bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga bibiyahe pauwi sa kani-kanilang probinsya ngayong undas.
Ayon kay Assistant vice president for traffic operations ng NLEX Robin Ignacio suspendido ang lahat ng roadworks at lane closures maliban na lamang kung may emergency repairs.
Magpapatupad din ng libreng towing para sa mga class 1 vehicles mula October 30, ala-sais ng umaga hanggang november 3, sa parehong oras.
Pinayuhan naman ang mga motorista na dumaan sa Balintawak toll plaza sa halip na sa mindanao avenue dahil sa patuloy na construction ng extension ng expressway.
ADVERTISEMENT
Maaari ring magpakabit ng one RFID stickers sa mga easytrip branches para sa mas madaling pagbiyahe ngayong undas.

