Latest NewsBalitang A2Z

Juan Ponce Enrile, Gigi Reyes at ‘Pork barrel queen’ Janet Napoles, inabswelto ng sandiganbayan sa mga kasong graft

Acquitted o pinawalang sala ng Sandiganbayan sina former senator at ngayo'y Presidential chief legal counsel Juan Ponce Enrile dati niyang chief of staff na si Jessica Lucila “Gigi” Reyes at…

BALITANG A2Z · · 2 min read

Acquitted o pinawalang sala ng Sandiganbayan sina former senator at ngayo’y Presidential chief legal counsel Juan Ponce Enrile dati niyang chief of staff na si Jessica Lucila “Gigi” Reyes at ang naka detain na negosyante na si Janet Lim-Napoles mula sa 15 counts of graft kaugnay sa kanilang pagkakasangkot sa maanomalyang PDAF o Priority Development Assistance Fund scam.

Sa isang unanimous decision na inilabas ng Sandiganbayan special 3rd division, sinabi nitong hindi napatunayan ng prosekusyon guilty sa pagkakasala ang mga akusado.

Dagdag pa ng desisyon, walang civil liability na ipinataw laban kay Enrile na dumalo sa promulgation ng kaniyang kaso via zoom meeting.

Gayunpaman, pinatawan naman ng civil liability si Napoles kung saan obligado na siyang magbalik ng mga perang ninakaw na nagkakahalagang na milyong piso sa bureau of treasurey.

Umiyak naman sa tuwa si si Reyes nang marinig ang hatol.

ADVERTISEMENT

Una nang na-acquit ang tatlo mula sa kasong plunder matapos lumabas na kulang ang mga ebidensyang inihain ng ombudsman laban sa mga akusado.

Matatandaang isinampa ang mga kasi noong 2014 ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales dahil sa umano’y mahigit P172 miyong kickbacks kay Enrile sa paglipat ng pdaf sa mga pekeng NGO ni Napoles mula 2004 hanggang 2010.

Pinag-piyansa naman si Enrile ng Korte Suprema noong 2015 dahil sa edad at kalusugan.

What do you feel about this article?