Nagbabala si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may mga kongresista na masasampahan ng kaso sa loob ng isang buwan bunsod ng maanomalyang flood control project.
Ayon kay Remulla, posibleng kasama rito si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.
Nakalatag na aniya ang aabot sa sampung kaso pero patuloy ang masinsinang evaluation ng mga ito.
Hihilingin naman ng Ombudsman ang pagkansela ng passport at pagpataw ng freeze orders laban sa mga sangkot kapag naisakatuparan na ang pagsasampa.
ADVERTISEMENT
Maglalabas din ng suspension orders laban sa mga tiwaling opisyal.



