Nagsimula na nga selebrasyon ng kapaskuhan mula ng sumapit ang ber month kaya naman nauna na ang isang kilalang mall sa Taguig City para sindihan at simulang pailawan ang kanilang giant christmas tree.
Present sa event ang ilang celebrities gaya nina Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee, Rhian Ramos at Tim Yap.
Hindi rin nagpahuli ang giant christmas tree lighting sa Mall of Asia kasama ang iconic father of christmas songs Jose Mari Chan.
Pinakilig naman ng P-pop group na Horizon ang crowd sa kanilang performances.
ADVERTISEMENT
Habang spotted rin ang kapamilya stars na si Jona, Kaila Estrada, at Miss Supranational Philippines Tarah Valencia sa isang christmas launching naman sa Quezon City.
Napa-wow at namangha naman ang lahat sa Northern star at World tree na naka-display sa kanilang the block atrium.

