Ila-livestream ng Bureau of Customs ang gagawing public auction ng mga nakumpiskang luxury vehicle na pagmamay-ari ng mag-asawang Curlee Discaya at Sarah Discaya.
Ayon sa Customs, isasagawa ang subastahan sa susunod na linggo para matiyak ang transparency sa pamamahala ng mga nasabat na sasakyan.
Kabilang din sa auction ang ilang high-end cars na kinumpiska sa mga operasyon kontra smuggling.
Lubos namang hinikayat ng ahensya ang publiko na subaybayan ang livestream sa kanilang official social media page.

