Latest NewsBalitang A2Z

Anak ni kuya Kim Atienza na si Emman, pumanaw sa edad na 19

Nagluluksa ngayon ang TV host na si Kim Atienza at ang pamilya sa pagpanaw ng kanyang anak na si emmanuelle o mas kilala bilang si emman sa edad na labing-siyam.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Nagluluksa ngayon ang TV host na si Kim Atienza at ang pamilya sa pagpanaw ng kanyang anak na si emmanuelle o mas kilala bilang si emman sa edad na labing-siyam.

Kinumpirma ng ina na si Felicia sa Instagram ngayong Biyernes, October 24.

Si Emman ang pangalawa sa tatlong anak nina Kim at Felicia.

ADVERTISEMENT

Ayon sa pamilya, malaking saya, tawa, at pag-ibig ang dala ni Emman sa kanila.

Binigyang-diin din ang kanyang pagiging bukas sa mental health na nagpasigla sa kapwa na humingi ng tulong.

Hinikayat ng pamilya na ialay ang alaala ni Emman kasama ng kahabagan, pag-ibig, tapang at kabutihan.

ADVERTISEMENT

Hindi pa inilalahad ang sanhi ng pagkamatay at detalye ng burol.

Kami po dito sa A2Z ay nakikiramay sa pamilya ni kuya Kim Atienza.

At sa ating kapwa mga manunuod kung kayo po ay may pinagdadaanan lumapit po sa pamilya, mga kaibigan, at propesyonal na makakatulong.

ADVERTISEMENT

O maging sa amin po kami po ay nakikikinig at hindi po kayo nag-iisa.

What do you feel about this article?