Hindi muna matutuloy sa susunod na linggo ang livestream ng mga pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure.
Ayon sa ICI, kailangan muna bumuo ng draft ng mga panuntunan para protektahan ang karapatan ng mga witness at resource persons.
Nilinaw ito ng komisyon, matapos sabihin ni I-C-I chairperson Andres Reyes Jr. sa senado nitong miyerkules na sisimulan na nila ang pagla-livestream.
Nanawagan si Public Works chief Vince Dizon sa NBI at private sector para i-background check ang hindi bababa sa labing-apat na undersecretaries at assistant secretaries ng DPWH.
ADVERTISEMENT
Bahagi ito ng “clean-sweep” laban sa korapsiyon na utos ni Pang. Marcos Jr.
Ginawa ang hakbang, matapos magbitiw si Usec. Arrey Perez sa gitna ng mga alegasyon na may kaugnayan umano siya sa mga kontratista sa flood control corruption scandal.

