Nagbuga ng dalawang beses ng abo ang Kanlaon volcano sa Negros ngayong Huwebes.
Sa mga kuha, kita na naglabas ito ng ash 5 a.m. hanggang 7:27 a.m. at muling nagbuga mula alas 7:23 a.m. hanggang 8:05 a.m.
Lumikha ng ash plume ang bulkan na umabot ng 600 metro ang taas.
Nananatili sa alert level 2 ang Kanlaon dahil sa bahagyang pag aalburuto kaya inaasahan ang panaka-nakang ash emission.
ADVERTISEMENT
Ayon sa PHIVOLCS, nagaganap ito kapag may bagong labas ng volcanic gas at pressure na siyang nag-aangat ng mga tuyong abo abu mula sa crater.”
Paalala naman ng PHIVOLCS, walang pagtaas ng alert level sa ngayon pero pinapaalalahanan ang publiko na sundin ang advisories at iwasan ang permanent danger zone.

