Patay ang dalawa, habang nakapagtala rin ng mga sugatan matapos ang malakas na pagsabog sa Brgy. Partida, Norzagaray, Bulacan noong Miyerkules.
Ayon sa Bulacan police, nagmula ang pagsabog sa isang tagong makeshift na pagawaan ng paputok.
Base sa paunang ulat ng fire marshal posibleng nag-init at pumutok ang naimbak na mga pulbura na nagdulot ng chain reaction at nadamay ang iba.
Walang nakitang palatandaan ng electrical malfunction at posibleng pagkukulang din sa safety training ang naging sanhi ng pagsabog.
Hindi pa matukoy ang financier o operator ng iligal na planta.
ADVERTISEMENT
Habang aminado naman ang mga opisyal ng barangay na hindi nila alam ang nakatagong pasilidad.
Ito na ang ikalawang pagsabog na kaugnay ng paggawa ng paputok sa Bulacan ngayong taon.
Maglulunsad naman ng mas mahigpit na pagbabantay ang PNP ngayong holiday season lalo na sa mga walang lisensyang pagawaan.

