Latest NewsBalitang A2Z

2 patay matapos bumagsak at masunog ang eroplano sa Venezuela

Patay ang dalawang pasahero habang dalawa naman ang sugatan matapos maglagablab ang isang eroplano sa Paramillo airport, Táchira, Venezuela.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Patay ang dalawang pasahero habang dalawa naman ang sugatan matapos maglagablab ang isang eroplano sa Paramillo airport, Táchira, Venezuela.

Kuha sa cellphone video ang mabilis na pagkabagsak ng eroplano sa runway bago sumabog nang masunog ang naturang piper cheyenne aircraft.

Sa inisyal na impormasyon, nawalan umano ng kontrol ang piloto matapos umanong pumutok ang gulong nito.

Sinabing konektado sa “government logistics activities” ang lipad ng eroplano.

ADVERTISEMENT

Nagbabala naman ang mga otoridad sa posibleng delays habang nagsasagawa ng site examination at safety checks sa paliparan.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa insidente.

What do you feel about this article?