Latest NewsBalitang A2Z

1.35 million pasahero, inaasahan sa naia ngayong Undas; self check-in at on-time flights, isinusulong

Inaasahan na ang pagdagsa sa NAIA terminal nang nasa 1.35 milyong pasahero ngayong Undas.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Inaasahan na ang pagdagsa sa NAIA terminal nang nasa 1.35 milyong pasahero ngayong Undas.

Nagsagawa ng joint inspection ang Department if Transportation at new naia infrastructure corporation sa terminal 3 para ipakita ang ilang pagbabago at improvements sa mga pasilidad.

Kabilang na rito ang bagong self check-in kiosks, self bag-drop counters, at food hub na tulad ng nasa mga airports sa ibang bansa.

Giit ni Transport acting chief Giovanni Lopez nakahanda na ang “Oplan Undas” kasama ang LTO, LTFRB, coast guard, at mga expressway operators.

ADVERTISEMENT

Ayon naman kay new NAIA general manager Lito Alvarez, may mahigit 500 kiosks sa lahat ng terminal para makapag-print ng boarding pass at bag tag kahit sarado pa ang check-in counters.

Tumaas din daw ang on-time performance ng naia ng 85 to 90 percent a higit na mas mataas sa global standard.

What do you feel about this article?