Tiniyak ng Sugar Regulatory Administration na walang magaganap na sugar shortage lalo’t kumpleto ang reserve stocks sa bansa sa kabila ng moratorium sa pag-aangkat ng asukal hanggang 2026.
Ayon kay SRA admin Pablo Azcona, magsisimula lang muli ang pag-aangkat pagkatapos ng milling season sa May o June 2026 batay sa produksyon ng lokal na asukal.
Tiniyak din ni Azcona sa mga manufacturer na sapat ang buffer stocks ng asukal para sa pangangailangan ng industriya.

