DZJV Radyo CALABARZON

Rare plant species, muling natagpuan sa Masungi Georeserve

Isang uri ng halaman na halos 130 taon nang hindi nakikita ang muling natagpuan sa Masungi Georeserve sa Rizal. Ayon sa pamunuan ng Masungi, natagpuan sa kanilang limestone forest ang…

rasibag · · 1 min read
Photo courtesy of Masungi Georeserve

Isang uri ng halaman na halos 130 taon nang hindi nakikita ang muling natagpuan sa Masungi Georeserve sa Rizal.

Ayon sa pamunuan ng Masungi, natagpuan sa kanilang limestone forest ang Exacum loheri (H. Hara) Klack., mahigit isang siglo matapos itong unang maitala ng Swiss botanist na si August Loher noong 1895.

Kinumpirma ng Philippine Journal of Science ang muling pagkakatuklas sa isang pag-aaral na pinamagatang “Notes on the Poorly Known Exacum loheri (H. Hara) Klack. (Gentianaceae) and a Key to the Philippine Species of Exacum”, na isinulat ng mga scientist mula sa University of the Philippines Diliman at Philippine Normal University.

Natagpuan ang naturang halaman habang nagsasagawa sila ng snail survey sa bahagi ng “600 Steps” area ng Masungi na sakop ng Baras at Tanay.

What do you feel about this article?